Bawat saglit ng ating buhay, di man natin namamalayan pero tayo ay nagmamahal. Kasi andyan lang ang pag-ibig hindi kumukupas, hindi nagmamaliw. Kahit ano ang mangyari ang pagmamahal ay patuloy tuloy.Tayo lang naman ang minsan ay nakakalimot.
Katulad ng Kamanghamanghang Pag-ibig sa atin ng Poong Maykapal. Siya na ang unang nagmahal sa atin bago pa man natin siya mahalin. Siya na kahit hindi tayo tumutugong daglian, patuloy pa rin tayong pinagmamalasakitan. Siya na hindi nagsasawang tayo ay lingapin. Sino nga ba naman ang may ganyang katulad? Wala, tanging ang Diyos lamang ang handang magmahal ng ganyan. Pero tayo minsan nakakalimutan natin paano magpasalamat.
Ikaw paano ka ba magmahal?
Papaano mo ba ipinadarama ang pag-ibig mo? Maging sa oras ng hilahil, lungkot man at pagkabigo,minamahal mo parin ba? Sa mga pagkakataong nasira, nawasak, nagkalurayluray na puso? Patuloy ka ba ring nagmamahal?Pagkatapos ng mga masisidhing karanasan sa buhay, mga malalakas na along humampas na nagpalubog sayo, andyan pa rin ba ang Pag-ibig na handang sumagip,iahon at itayo ang sarili mo at ang iyong minamahal? Kahit ikaw man ay tunay na nasaktan, lumuha at nagdusa, handa ka parin bang magpatawad? at bigyan ng bagong pag-asa at pangalawang pagkakataon ang pag-ibig? Handa ka ba?
“May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo. Tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas malalaman mo na lang kung gaano mo sya kamahal kapag wala na siya sayo. And when you lose that person, you lose a part of yourself too.
Umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon maibabalik mo kung ano ang nawala sa’yo. O kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon lahat ng bagay. Pero bakit hindi yata binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? At lagi mong tinatanong, paano kaya kung.. mas minahal mo siya? Paano kaya kung hindi mo na lang siya minahal? Paano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala? Para mabura na lang siya sa alaala mo.”
“isa lang ang puso mo..dapat isa lang ang laman niyan..kailangang mamili ka..pero pag namili ka, may masasaktan..kung hindi ka naman mamimili, dalawa silang sinasaktan mo..”
“i don’t care if you feel that i don’t deserve you, if you love me less or if i love you more. what matters is mahal na mahal kita.”
allan: bakit pa tayo pinagtagpo kung paghihiwalayin din tayo?
mia: allan, kung pinagtagpo man tayong muli, maybe it’s not for a happy ending. Maybe it’s a second chance to end things”
John Lloyd: She had me at my worst … you had me at my best … at binalewala mo lang lahat yun …
Bea: Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
John Lloyd: And you chose to break my heart.
Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Pano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo? Maaring nakita mo na siya pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.”
Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako? … Kasi yun din ang ramdam ko sa sarili ko Leo eh … Hangga’t di mo alam ang sagot, siguro nga mas mabuting ganito muna tayo
“It’s not enough to accept me for what I am, You also have to accept me for what I’m not”
Note:This post is for the hopeless romantic out there (like me).
I know for sure some of you might get disappointed and might find it very “emo” and very cheesy but oh well my apology. Again, Love has no definite explanation but I hope I can bring some love in the air.
To God be the Glory.
Wow. Ngayon ko na lang ulit nabasang muli ‘yong salitang ‘hilahil’. Haha. May kakaiba rin ‘yong pagkakagamit mo ng Filipino rito, nakakatuwa. Haha. Pamilyar sa’kin ‘yong ilang quotes, ‘di ko lang maalala kung saang pelikula. Sana nalagay mo. Nakuha pang mag-demand pa. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Haha! Thanks Man. To be honest I am still having a hard time writing tagalog since I didnt grew up speaking it. As you can see I’m bisaya.lol.
Ganda din ng blog mo ha. Tagalog talaga. yay. keep it up God Bless po
LikeLike
Halata nga po sa ibang part na nahirapan kayo sa tagalog. But kudos to this post. 🙂 Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. ( https://iamdoctoreamer.wordpress.com/)
LikeLiked by 1 person